Nakakapagod ang pag-encode
Mas nakakapagod ang pag-encode ng hindi pa kumakain
Mas nakakapagod pa ang pag-encode ng hindi pa kumakain at may hinahabol na deadline
Talagang nakakapagod ang pag-encode ng hindi pa kumakain, may hinahabol na deadline, at inaantok pa dahil isang oras pa lang ang nakuhang tulog.
Talagang mas nakakapagod ang pag-encode ng hindi pa kumakain, may hinahabol na deadline, inaantok pa dahil isang oras pa lang ang nakuhang tulog, at nawawalan na ng ganang ayusin ang mga kailangang ayusing codes...
Nakakapagod....
Wednesday, February 23, 2011
Monday, February 21, 2011
GAS
Oo, maatas na ang Gas ngayon sa Pinas. Ang Diesel mejo malapit na rin makahabol sa kalagayan ng Gas ngayon. Pero, hindi yan ang tatalakayin ko ngayon. Ang pag-uusapan natin sa entry na ito ay tungkol sa Gear Acquisition Syndrome o mas kilala bilang GAS.
Madalas na iniuugnay ang GAS sa mga gitaristang nangangating makabili at maangkin ang kanilang mga ninanais na "gear" para sa paggigitara. Mapa gitara, pedal, kaha, o lalagyan ng mga gadjet ng mga gitara man ito, basta kailangang makuha kapag dumating na ang GAS.
Karamihan sa mga kaibigan ko ngayon ay nakakaranas ng GAS sa panahon ngayon. Iba't ibang uri ng pedal, pedalboard, at kung anu-anong mga kagamitan na ang mga umiikot sa kanilang pakikipagsapalaran sa paghahanap ng kanilang gina-GAS ngayon.
Kahit ako ay napapa-GAS na rin. Naghahanap ako ngayon ng isang maayos na pedalboard na makakakarga ng lahat ng mga pedal ko. Hindi naman sa marami ang mga pedal ko, pero gusto ko medyo malaki nang kaunti - mga 16X25 ba. Kasi kapag ganito, maaari ko pang dagdagan pagkanakaipon na ako ng sapat na pera para makabili ng mas okay na gamit sa "rig" ko. Sa ngayon, standby muna. Hindi muna yun ang unang prayoridad sa ngayon. (HEHEHEHE)
Masaya ang pakikipagsapalaran sa kalagayang tinatawag na GAS. Marami kang makikita, makikilala, at matutunan sa pagsabak sa karansang ito. Subukin niyo kaya? Itzgunnabeealattahfaan!
-wakas-

Labels:
Acquisition,
GAS,
Gear,
Syndrome
Sunday, February 20, 2011
Katamtamang Init
Sa araw na ito, napag-isipan ko ulit magsulat ng mga bagay-bagay upang hasain ang aking paggamit ng Ingles at Filipino. Siguro ginawa ko na rin ito para pampalipas ng oras at damdamin. Sana magawa ko to ng maayos at sana may makaintindi sa mga sinasabi ko ngayon. Hanggang doon na muna..
Ay, oo nga pala!
Bakit nasa wikang Filipino ang buong interface ng aking blogspot account. Filipino tuloy ang ginamit kong wika sa pagsulat.
Ok, yaon lamang!
Ingat!
Labels:
noob
Subscribe to:
Posts (Atom)