Showing posts with label Gear. Show all posts
Showing posts with label Gear. Show all posts

Monday, February 21, 2011

GAS

Oo, maatas na ang Gas ngayon sa Pinas. Ang Diesel mejo malapit na rin makahabol sa kalagayan ng Gas ngayon. Pero, hindi yan ang tatalakayin ko ngayon. Ang pag-uusapan natin sa entry na ito ay tungkol sa Gear Acquisition Syndrome o mas kilala bilang GAS.

Madalas na iniuugnay ang GAS sa mga gitaristang nangangating makabili at maangkin ang kanilang mga ninanais na "gear" para sa paggigitara. Mapa gitara, pedal, kaha, o lalagyan ng mga gadjet ng mga gitara man ito, basta kailangang makuha kapag dumating na ang GAS.

Karamihan sa mga kaibigan ko ngayon ay nakakaranas ng GAS sa panahon ngayon. Iba't ibang uri ng pedal, pedalboard, at kung anu-anong mga kagamitan na ang mga umiikot sa kanilang pakikipagsapalaran sa paghahanap ng kanilang gina-GAS ngayon.

Kahit ako ay napapa-GAS na rin. Naghahanap ako ngayon ng isang maayos na pedalboard na makakakarga ng lahat ng mga pedal ko. Hindi naman sa marami ang mga pedal ko, pero gusto ko medyo malaki nang kaunti - mga 16X25 ba. Kasi kapag ganito, maaari ko pang dagdagan pagkanakaipon na ako ng sapat na pera para makabili ng mas okay na gamit sa "rig" ko. Sa ngayon, standby muna. Hindi muna yun ang unang prayoridad sa ngayon. (HEHEHEHE)

Masaya ang pakikipagsapalaran sa kalagayang tinatawag na GAS. Marami kang makikita, makikilala, at matutunan sa pagsabak sa karansang ito. Subukin niyo kaya? Itzgunnabeealattahfaan!

-wakas-